SSS binalaan ang publiko sa text scam

SSS binalaan ang publiko sa text scam

Nagbabala ang Social Security System (SSS) sa mga miyembro nito sa scam na ipinapadala sa pamamagitan ng text message.

Gamit ang pangalan ng SSS, nakasaad sa text na hindi pa kumpleto ang registration information ng miyembro.

Nagbibigay din ng link kung saan maaari umanong kumpletuhin ang registration para maiwasan na ma-terminate ang membership.

Ayon sa SSS, hindi galing sa kanila ang nasabing mensahe.

Ipinaalala ng SSS sa mga miyembro nito na hindi sila hihingi ng personal information sa pamamagitan ng text.

Sinabi ng agensya na ang mga mensahe sa text at private messages na mula sa unidentified number ay hindi dapat paniwalaan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *