DOH pinayuhan ang mga residente na malapit sa Mt. Kanlaon na magsuot ng face mask; Code White Alert itinaas sa mga ospital

DOH pinayuhan ang mga residente na malapit sa Mt. Kanlaon na magsuot ng face mask; Code White Alert itinaas sa mga ospital

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga residente na malapit sa Mt. Kanlaon na magsuot ng face masks at safety googles.

Sa pahayag sinabi ni Health Sec. Ted Herbosa na inumpisahan na ng DOH Western Visayas Center for Health Development ang pagpapadala ng faace masks, safety goggles, hygiene kits, jerry water cans at disaster relief tents sa apektadong lugar.

Inilagay na din sa Code White ang mga ospital na malapit sa lugar para matiyak na handa itong i-accommodate ang mga magkakasakit o masusugatan.

Ang mga residente ay pinapayuhang magsara ng kanilang pintuan, bintana, o basain ang kurtina para maprotektahan ang kanilang baga mula sa ashfall.

Maari din gumamit ng basang panyo para ipangtakip sa bibig at ilong.

Kung mayroong hika, kailangang tiyakin na may sapat na suplay ng gamot gaya ng inhaler. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *