Bilang ng mga naiprosesong registration para sa 2025 National and Local Elections umabot na sa mahigit 3 million
Umabot na sa mahigit 3 million ang naiprosesong aplikasyon ng Commission on Elections (Comelec) para sa Voter Registration.
Ayon sa datos ng Comelec, hanggang noong Lunes, June 3 ay umabot na sa 3,368,999 ang naiprosesong aplikasyon.
Sa nasabing bilang, pinakamarami ang sa Region 4-A na umabot na sa 592,683; kasunod ang NCR na umabot na sa 481,819.
Sa Region III ay nakapagtala ng 390,675 na mga bagong nagparehistro, habang sa Region XI ay 193,669.
Nagsimula ang registration period noong Feb. 12 na tatagal hanggang Sept. 30, 2024. (DDC)