Mga residente sa Infanta, Quezon inalmahan ang nakaambang MOA signing ng MWSS at ng alkalde para sa Kaliwa Dam
Kinalampag ng Grupo ng No To Kaliwa Dam si Infanta Mayor Grace America kasama at ang mga konsehal na miyembro ng technical working group sanhi ng pag-welcome sa9 MWSS na makipagkasundo o sang-ayunan ang kagustuhan nito na matuloy ang proyekto ng Kaliwa Dam.
Ang ipinagtataka ng grupo ang biglaang pagpayag na mg Mayor na ituloy ang Kaliwa Dam ng MWSS.
Pagkatapos magpulong-pulong sa plaza ng Infanta ay agad namang nagpasaklolo ang grupo ng NO TO KALIWA DAM sa sangguniang bayan sa takdang oras ng session sa pangunguna ni Lead convenor Conrad Vargas at nabigyan sila ng pagkakataon na makapaghayag ng kanilang saloobin at hinaing kaya’t naungkat sa pagtalakay na matagal na pa lang nagkaroon ng technical working group na nililihim ni Mayor Grace America at ng mga Konsehal na kaalyado nito na miyembro ng TWG.
Pero sa paliwanag ng alkalde sa kanilang morning devotion ay hindi umano niya ibebenta ang Infanta. Pero hindi pa rin kumbinsido ang mga naninindigan sa Ayaw ng Kaliwa Dam na baka meron ng namumuong usapan para payagan na makakuha ng clearance para magtuloy-tuloy ang construction nito sa kabundukang bahagi ng Sierra Madre.
Sa pagtalakay sa sesyon ng sangguniang bayan ng Infanta kinuwestyon ng bise alkalde na si Vice Mayor L.A. Ruanto kasama sina Konsehal Kirk Gurango, Konsehal Sherwin Avellano at Konsehal Manny America kung bakit nililihim ang nabuong technical working group para sa usapin ng Kaliwa Dam.
Ayon sa ating source, hindi na umano matutuloy ang pagbisita o panliligaw ng MWSS para magkaroon ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng LGU Infanta at ng MWSS.
Dahil sa paninindigan ng People’s Council at sigaw ng mga Infantahin na tutol sa Kaliwa Dam ay naunsyami ang hangarin ng nasa likod ng MOA na ito.
Hindi pa rin mabura-bura sa isipan ng grupo kung ano ang nilalaman o napag-usapan ng technical working group kaugnay sa usapin ng Kaliwa Dam na tila nakalihim at hindi naisapubliko ang mga napag-usapan sa pakikipag-usap nito sa MWSS. (JR Narit)