Panunutok ng baril sa barko ng China itinanggi ng AFP
Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tinutukan ng baril ng mga sundalong naka-destino sa BRP Sierra Madre ang mga tauhan ng China Coast Guard (CCG) sa Ayungin Shoal.
Ayon sa pahayag ni AFP chief of staff, Gen. Romeo Brawner Jr. ang kanilang mga tauhan ay sumusunod sa Rules of Engagement (ROE).
Propesyunal at may disiplina ding ginagampanan ng mga sundalo ang kanilang misyon na bantayan at pangalagaan ang soberanya ng bansa.
Sinabi ni Brawner na kailangang itaas ang alerto ng mga sundalo sa BRP Sierra Madre dahil sa mga insidente ng paglapit ng mga foreign vessels at paglabag sa safe distance protocols.
Ang pagiging alterto aniya ng mga tropa sa BRP Sierra Madre ay dahil sa mapaghamong presensya at hakbang ng CCG.
Iginiit ni Brawner na patuloy ang commitment ng AFP na panatilihin ang peace at stability sa rehiyon.
Anumang agresibong hakbang na magiging banta sa kapayapaan at kaligtasan ng mga sundalo ay tatapatan ng karampatang aksyon. (DDC)