Mobile Command Center at Family Food Packs inihanda na ng DSWD para sa mga maaapektuhan ng pagputok ng Mt. Kanlaon
Nakahanda na ang Mobile Command Center (MCC) truck ng Department of Social Welfare and Development sa Field Office 7 o Central Visayas para magamit dahil sa pag-aalburuto ng Mt. Kanlaon.
Ayon sa DSWD, handa na itong o-deploy sa Canlaon City, Negros Oriental.
Ang mga MCC truck ng DSWD ay mayroong state-of-the-art satellite internet, malalaking powerbanks at 2 sets ng generators na maaaring magamit bilang source ng power supply at internet connection sa apektadong komunidad.
Samantala, magdamag ding nagtrabaho ang mga tauhan ng DSWD para sa stockpiling ng Family Food Packs (FFPs) na ipadadala sa mga maaapektuhan ng pagputok ng bulkan.
Ayon sa DSWD, mayroon nang 20,000 na FFPs ang nasa biyahe na patungong Negros Oriental at 20,000 din patungong Negros Occidental. (DDC)