Hindi na kailangan ng DNA test sa isyu ng nationality ni Guo

Hindi na kailangan ng DNA test sa isyu ng nationality ni Guo

LUMANTAD si Nancy Gamo, isang dating consultant ni Mayor Alice Guo, upang ipagtanggol ang kanyang dating kliyente laban sa mga personal na pag-atake na bumabalot sa pagkatao ng mayor.

Ayon kay Gamo, ang mga atake ay lumalabag na sa karapatan ng Mayor bilang isang indibidwal at isang halal ng taong bayan.

“Lumantad ako upang ipagtanggol si Mayor Alice. Nasasaktan ako na makita siyang inaakusahan ng mga bagay na hindi totoo. Hindi na ito usapin ng politika kundi ng pagkatao at dignidad ng isang tao na walang sawang naglilingkod sa bayan. Bilang isang kaibigan at kakilala, hindi ko maatim na manahimik habang siya’y nilalapastangan.” pahayag ni Gamo.

Si Gamo, isang accountant, ay personal na nakilala si Mayor Guo mahigit sampung taon na (simula 2012).

Ani Gamo, hindi siya naging empleyado o full-time na accountant ni Mayor Guo bagkus ay tumulong siya sa iba’t ibang aspeto ng negosyo at personal na buhay ng mayor kabilang na dito ang pagiging Corporate housekeeping at pagsasa-ayos ng mga records;

– Pagsasagawa ng due diligence sa pagbili ng lupa at pagpoproseso ng eCAR; paggawa ng mga dokumento noong Disyembre 2015 tulad ng MOA, Deed of Transfer, at Assignment of Shares para sa pagbenta ng shares ng pamilya Guo.

Gayundin ang pagtulong sa mga tauhan ni Mayor Guo sa opisina sa paggawa ng sagot sa mga sulat mula sa LGU at iba pang ahensya ng gobyerno at pagbibigay ng payo sa mga isyu sa farm at iba pang usaping accounting at realty.

Sinabi ni Gamo na kilala niya si Mayor Alice bilang isang napakasipag, mababang loob, at mapagmahal na anak.

Bagamat hindi pormal na nakapag-aral, naturuan naman siya ni Teacher Rubylin at mabilis siyang matuto at magaling na negosyante mula sa murang edad.

Nais ni Mayor Alice na matuto at madalas siyang makipag-usap sa mga eksperto tulad ng veterinary doctors, nutritionists, bankers, suppliers, at farmers. Isa sa mga layunin ng kanyang paglabas ng bansa ay upang aralin ang pig farming sa ibang bansa.

Nakilala rin ni Gamo si Lin Wen Yi, na ipinakilala bilang partner ng tatay ni Mayor Alice.

Ipinaliwanag ni Gamo na hindi si Lin Wen Yi ang tunay na ina ni Mayor Alice at hindi na dapat kaladkarin pa ang ibang tao sa usapin ng DNA test.

“Dahil dito, naniniwala ako na hindi na kailangang kaladkarin pa ang ibang tao tungkol sa DNA issue,” ani Gamo.

“Huwag nating kalimutan na si Mayor Alice Guo ay isang indibidwal na may karapatan at isang halal ng taong bayan.”dagdag pa nito.

Si Gamo ay nanalangin na sana ang kanyang pagkakakilala kay Mayor Alice Guo ay dinggin ng kina-

uukulan upang mapasubalian naman ang mga paratang laban sa kanya.

Ang kanyang mga personal na karanasan at malalim na pagkakakilala sa pamilya Guo ang nagpapatunay na si Mayor Alice ay isang mabuting tao, magaling at may pagmamahal na lider at siya ay isang Pilipino.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *