Magnitude 5.9 na lindol tumama sa Japan
Tumama ang magnitude 5.9 na lindol sa Japan umaga ng Lunes, June 3.
Ayon sa weather agency ng Japan, ang epicenter ng lindol ay naitala sa Noto Peninsula sa Ishikawa Prefecture, 6:31 ng umaga.
Umabot sa Instensity Scale 7 ang naitala sa Wajima at Suzu.
Nasundan pa ito ng magnitude 4.8 na pagyanig, 6:40 ng umaga.
Ayon sa Tokyo Electric Power Company Holdings, hindi naman nagdulot ng pinsala ang pagyanig sa Kashiwazaki-Kariwa nuclear power na kalapit lamang ng Niigata Prefecture. (DDC)