Taguig LGU nagkaloob ng cash incentives sa outstanding honor graduates
Nagkaloob ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig ng pinansiyal na insentibo sa mga pinakamagagaling na honor graduates mula sa mga pampublikong paaralan sa siyudad.
Simula pa noong 2023 ang Taguig City sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Lani Cayetano ay nagbibigay ng cash incentives sa mga pinakamahuhusay na estudyanteng nagsipagtapos sa eskuwelahan sa lungsod.
Ang pagkakaloob ng pinansiyal na insentibo ay alinsunod sa City Ordinance No. 06 kung saan dinisenyo ang inisyatibang ito na gantimpalaan ang napakagaling na akademiko at hikayatin ang mga estudyante na magsumikap para magkamit ng mataas na academic achievement na naaayon sa Transformative, Lively, at Caring City agenda ng alkalde.
Sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pinansiyal na insentibo, layunin ng Taguig na suportahan ang hinahangad na edukasyon ng mga estudyante nito na tunay na pag-asa ng lungsod. (Bhelle Gamboa)