Muntinlupa kabilang sa 2023 Top NCR Revenue Earner

Muntinlupa kabilang sa 2023 Top NCR Revenue Earner

Kinilala ang Muntinlupa bilang isa sa sampung nangungunang revenue earner sa National Capital Region (NCR) para sa taong 2023, ayon sa datos mula sa Bureau of Local Government Finance (DOF-BLGF).

Nakamit ng Muntinlupa ang ikasiyam na puwesto na may kita na 4.63 bilyon. Kinakatawan nito ang 13% increase sa Annual Revenue Income (ARI) mula 2022 hanggang 2023.

“Nasa isang mahalagang yugto tayo ng pagbangon mula sa pandemya. Positibong senyales ang revenue growth hindi lang sa Muntinlupa pero maging sa mga karatig lungsod natin. Makakatulong ito sa pagpapabuti ng serbisyo para sa tao,” ayon kay Mayor Ruffy Biazon.

Binibigyang-diin ni Mayor Biazon ang dedikasyon ng lungsod sa responsableng pananalapi: “Tinitiyak namin sa aming mga kababayan na bawat sentimo ay ginagamit nang maayos. Pinag-iisipang mabuti ang mga programa para sa tao at tinitiyak na nadedeliver nang tama ang serbisyo ng pamahalaan.”

Kabilang sa Top 5 ang Quezon City (27.41 bilyon), Makati City (19.36 bilyon), Taguig City (13.54 bilyon), Pasig City (13.13 bilyon), at Manila (12.43 bilyon), na sinundan ng Parañaque (7.9 bilyon), Pasay (7.35 bilyon), at Mandaluyong (5.76 bilyon). Ang Caloocan ay nasa ikasampung puwesto na may kita na 4.09 bilyon. Nasa ika-11 pwesto ang Valenzuela (3.98 bilyon), Las Piñas (2.52 bilyon), na sinundan ng San Juan (2.05 bilyon), Marikina (1.58 bilyon), Malabon (1.23 bilyon), at Navotas (1.0 bilyon).

Ang Pateros, ang tanging munisipalidad sa Metro Manila, ay nasa ikalabimpitong puwesto na may kita na 0.2 bilyon noong 2023. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *