Blacklisted Malaysian national naaresto ng BI sa NAIA

Blacklisted Malaysian national naaresto ng BI sa NAIA

Hinarang at inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang blacklisted Malaysian national nang tangkaing lumabas ng bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminak 1 sa Pasay City.

Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco ang pasaherong si Chong Wei Keong,38-anyos, na naharang sa immigration departure area ng NAIA T1 habang papasakay ng Malaysian Airlines flight patungong Kuala Lumpur.

Sinabi ni Tansingco na ang Malaysian ay naaresyo matapos itimbre ng mga impormante ng BI patungkol sa nakatakdang pag-alis nito sa bansa.

Si Chong ay kasalukuyang nakadetine sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang inaayos pa ang proseso ng deportasyon nito.

Batay sa records si Chong ay blacklisted ng BI noong 2023 at denied entry ng immigration officers matapos mabigo nitong sabihin ang pakay sa pagbiyahe sa Pilipinas na nagresulta ng kanyang public charge.

Sumobra na rin ang pananatili ni Chong sa Pilipinas para sa pitong buwan at hindi nito maipaliwanag ang mahabang paninirahan sa ating lugar.

Ang public charge sa immigration parlance ay tumutukoy sa isang dayuhan na ikinokonsiderang pasakit sa gobyerno ng Pilipinas.

Lumilitaw sa imbestigasyon na si Chong ay isang illegal entrant matapos dumating sa bansa ngayong 2024.

Agad siyang inaresto ng immigration officers at supervisors matapos makumpirma abg kanyang pagkakakilanlan at records. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *