Muntinlupa LGU namahagi ng mga bagong ambulansya at motorsiklo sa mga barangay

Muntinlupa LGU namahagi ng mga bagong ambulansya at motorsiklo sa mga barangay

Ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang 10 na bagong ambulansya sa lahat ng siyam nitong barangay at sa Department of Disaster Resilience and Management para sa mahusay na mga serbisyong medikal at pagtugon sa emergency o panahon ng peligro.

Ang mga bagong ambulansya ay mayroong high-visibility Battenburg designs, kumpleto sa basic life support supplies at equipment, blinkers, at sirens.

“Nag turn over tayo ng mga ambulansya sa lahat ng mga barangay ng Muntinlupa, bahagi ng ating programa ng paghahanda sa sakuna at emergencies. These ambulances will significantly enhance medical response services for our residents,” sabi ni Mayor Ruffy Biazon sa ginanap na turnover ceremony kahapon.

“Makikita na ang mga disenyo ng ambulansya ay hango sa international markings ng ambulansya na tinatawag na Battenburg livery. Ito ay para sa high visibility, easier identification at safety,” dugtong ng alkalde.

Bukod dito, namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng 34 ‘Honda Click 125’ motorcycles sa mga departamento kabilang ang Business Permits and Licensing Office, Community Affairs and Development Office, at Colegio de Muntinlupa,na bahagi sa patuloy nitong hakbang na pagandahin ang mobilidad at mahusay na mga serbisyo publiko.

“These motorcycles will help our offices fulfill their mandates more effectively. Let’s use them properly to better serve our community,” ani Mayor Biazon.

Ngayong taon lamang, unang nagkaloob ang Muntinlupa ng 19 service vehicles at 20 motorcycles, kasama rito ang 16 400cc units para sa traffic enforcers upang mapagbuti ang pagpapatupad ng regulasyon sa kalsada.

Binibigyang-diin ng Muntinlupa LGU ang kanyang pangako na bawat opisina nito ay magkaroon ng mahahalagang mapagkukunan o resources.

Hinikayat ng alkalde ang lahat ng departamento at barangay na gamitin ang mga nasabing sasakyan para sa mas mahusay at epektibong paghahatid ng serbisyo. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *