Malakanyang nakiisa sa paggunita ng No Tobacco Day

Malakanyang nakiisa sa paggunita ng No Tobacco Day

Nakiisa ang Palasyo ng Malakanyang sa paggunita sa No Tobacco Day.

Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), hinikayat nito ang publiko na iwasan ang paninigarilyo.

Ayon sa PCO, batid ng publiko ang masama ng epekto ng sigarilyo sa katawan.

Sinabi pa ng PCO na mas makabubuting pangalagaan ang kalusugan.

“Pangalagaan natin ang ating kalusugan at hikayatin ang ating mga mahal sa buhay na ingatan din ang kanilang pangangatawan. Paalala, ang paninigarilyo ay nakakasama, ‘di lamang sa ating katawan, kundi pati na rin sa mga nakalalanghap ng usok mula rito,” pahayag ng PCO.

Sabi ng PCO, bawat buhay ay mahalaga kung kaya dapat itong pangalagaan.

Base sa talaan ng Lung Center of the Philippines, 321 ang karaniwang bilang ng mga Filipino na namamatay kada araw dahil sa sigarilyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *