Typhoon Aghon nakalabas na ng bansa

Typhoon Aghon nakalabas na ng bansa

Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Aghon.

Ayon sa PAGASA, alas 12:00 ng tanghali ng Miyerkules, May 29 ng lumabas sa bansa ang bagyo na may international name na “Ewiniar”.

Apektado naman ng Southwesterly Windflow ang malaking bahagi ng bansa.

Magdudulot ito ng kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Frontal system naman ang umiiral sa Batanes at Babuyan Islands habang localized thunderstorms sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *