Mamamayan nagkaisa sa kapayapaan, 50 bansa sumali sa taunang Peace Walk ng HWPL

Mamamayan nagkaisa sa kapayapaan, 50 bansa sumali sa taunang Peace Walk ng HWPL

Nagsisilbing banta sa pandaigdigang seguridad ang mga kaguluhan sa iba’t ibang panig ng mundo kaya nagkakaisa ang mamamayan sa pag-asam ng kapayapaan.

Ngayong May 2024, ang mamamayan sa lahat ng kontinente ay nagsasama-sama para sa ika -11 taong paggunita sa Declaration of World Peace at Peace Walk na may temang “Communication for Global Citizenship of Reconciliation and Tolerance,” na inorganisa ng UN-affiliated NGO, Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) na may layuning linangin at at ibahagi ang pandaigdigang kultura ng kapayapaan .

Tampok sa Peace Walk na sinalihan ng 50 na bansa ang mga aktibidad patungkol sa peace-themed performances, video screenings, photo exhibitions, poster drawings, sports activities, bazaars, at mga oportunidad ng boluntaryo.

Ang mga seremonya ng tree planting at “free hugs” ay nagbigay-diin sa diwa ng pagkakaisa at makakalikasan.

Sa Pilipinas,isinagawa kamakailan ang Peace Competition Activity sa Victorious Christian Montessori sa GMA, Cavite kung saan lumahok sa magkakaibang kategorya ang mga estudyante mula sa elementarya at sekondarya gaya ng essay writing, poster making at coloring/drawing sa tema ng kapayapaan.

Idinaos din ang Peace Walks sa Hinigaran, Negros Occidental sa kasagsagan ng Hinugyaw Festival noong April 29 at sa Lucban, Quezon bilang bahagi sa pinakahihintay na Pahiyas Festival and Parade noong May 15. Ang mga HWPL volunteers sa Lucban kasama ang mga opisyal ng barangay ay magkatuwang sa paglilinis sa mga dekorasyon ng kapistahan ng Pahiyas sa plaza noong May 16 at 18.

“Kami (IPYG) po ay nagjo-join sa Peace Walk every year dito sa Pahiyas ng Lucban. Para po sa progressive and peaceful na bayan ng Lucban, ine-encourage ko po lahat ng kabataan na magjoin po sa IPYG kung saan ang kabataan po ay magkakaroon po ng activities tulad ng clean-up drive. Sa gano’ng paraan… tayo po ay maging good example sa mga kabataan,” paghihikayat sa kabatan ni Neil Palermo, Coordinator ng HWPL youth wing, ang International Peace Youth Group (IPYG).

Nitong May 25 sa Peace Gate of Seoul Olympic Park, Republic of Korea ginunita ang 2013 proclamation ng Declaration of World Peace na sinalihan ng 30,000 global youth na may adbokasiya sa kapayapaan.

“Since we pledged to work together for world peace 10 years ago, we have been calling for peace all over the world. We have advocated that peace should be taught at home and at school, and that everyone should become messengers of peace.” He also emphasized, “Everyone should be one under the title of peace and work together to create a good world and make it a legacy for future generations. This is what we need to do in this era in which we live,” pahayag ni HWPL Chairman Lee Man-hee.

Samantala naglabas ng kalatas ang HWPL kaugnay sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Iran at binigyang-diin ang matinding epekto nito sa mga sibilyan.

“Organizations worldwide, in alliance with HWPL as peace solidarity, urge Iran and Israel to put a stop to the acts of aggression immediately and to come forward for conversations to usher in peace,” ayon pa sa HWPL. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *