Mahigit 1,200 na benepisyaryo ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program ng DSWD nakabili ng murang halaga ng mga produkto sa Kadiwa ng Pangulo sa Tondo
Mahigit 1,200 na benepisyaryo ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP) ng Department of Social Welfare and Developmentās (DSWD) ang nakinabang sa murang mga produkto sa Kadiwa ng Pangulo stalls sa Tondo, Maynila.
Ginawaran din ni DSWD Undersecretary for Innovations Edu Punay at Asst. Secretary for Innovations Atty. Baldr Bringas ng Certificates of Completion ang mga dumalo sa idinaos na limang Nutrition Education Sessions.
Ginamit ng mga benepisyaryo ang kanilang Electronic Benefit Transfer (EBT) cards na may lamang P3,000 food credits para makabili ng P1,500 na halaga ng carbohydrate-rich food; P900 na halaga ng mga produktong rich in protein: at P600 na halaga ng gulay, prutas, asin at iba pang condiments.
Sa ilalim ng Walang Gutom 2027: FSP, ang mga benepisyaryo ay binibigyang-access sa monetary-based assistance at nutrition education para matuto silang maghanda ng masustansyang pagkain para sa kanilang pamilya.
Hinihikayat din silang maging produktong mamamayan sa pamamagitan ng pagsailalim sa skills training at paglahok sa mga government-organized job fairs. (DDC)