Publiko binalaan sa malisyosong QR code para sa pagbabayad ng traffic violation
Binalaan ng Metropolitan Manila Develoment Authority (MMDA) ang publiko na huwag i-scan ang mga natatanggap na malisyosong QR code na sinasabing mababayaran mo ang iyong nilabag na batas trapiko.
Paglilinaw ng MMDA hindi nanggaling sa ahensiya ang QR Code na nagsasabing mapapabilis ang pagbabayad mo ng traffic violation sa pamamagitan ng pag-scan sa link.
Maaaring tumawag sa MMDA Redemption Center sa numerong 88984200 loc. 104 at 105 para kumpirmahin ang detalye ng iyong paglabag.
Kung may natatanggap na kahina-hinalang mensahe o post sa social media, maaaring tumawag sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa MMDA official accounts. (Bhelle Gamboa)