Infra Projects tinalakay ng Las Piñas Sanggunian sa 84th Regular Session
Mabusising tinalakay ng Sangguniang Panlungsod ng Las Piñas sa ilalim ng pamumuno ni Vice Mayor April Aguilar ang ilang panukala na nakatuon sa kaunlaran ng siyudad at kapakanan ng komunidad sa idinaos na ika-84 na regular na sesyon.
Tampok sa mga pinag-usapan sa sesyon ang mahahalagang konstruksiyon ng mga proyekto kabilang ang bagong educational facilities at community buildings na magpapahusay sa lokal na imprastraktura at magbibigay ng kinakailangang serbisyo sa mga residente.
Kasama rin sa usapin ang mga inendorsong mga kontrata para sa pagtatayo at rehabilitasyon ng maraming pasilidad sa mga barangay.
Ang mga nasabing proyekto ay parte ng madiskarteng mga hakbang ng Konseho upang palakasin ang imprastrakturang pang-edukasyon at panlibang bilang tugon sa pangangailangan ng komunidad.
Binigyang pansin din ng Sangguniang Panlungsod ang ilang kahilingan na iurong o pagaanin ang mga penalties at interes sa pagnenegosyo at buwis na sumasalamin sa pangakong suporta sa mga residente at negosyong naapektuhang pampinansiyal. (Bhelle Gamboa)