MMDA nakiisa sa paggunita ng Pambansang Araw ng Watawat
Nakikiisa ang Metropolitan Manila Development Development Authority (MMDA) sa paggunita ng Pambansang Araw ng Watawat.
Ayon sa ahensiya ngayong araw sabay- sabay nating alalahanin ang unang araw na iwinagayway ang ating bandila matapos na magwagi ang mga rebolusyonaryong Pilipino kontra puwersa sa mga Espanyol sa Battle of Alapan noong 1898.
Ang Watawat ng Pilipinas ay kumakatawan sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ito rin ay sumasagisag sa pagkakaisa at nagpapaalala ng pakikibaka ng ating mga ninuno para sa kalayaan at soberanya ng bansang Pilipinas.
Mabuhay ang mga Pilipino, Mabuhay ang Perlas ng Silanganan! (Bhelle Gamboa)