Meralco muling magpapatupad ng rotational brownout dahil sa hindi na sapat ang suplay ng kuryente sa Luzon
Muling magpapatupad ng rotational brownout ang Meralco dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente ngayong araw, May 28.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), iiral ang yellow alert sa Luzon Grid sa mga sumusunod na oras:
1:01PM – 2:00PM
4:01PM – 5:00PM
6:01PM – 8:00PM
10:01PM – 11:00PM
Habang iiral naman ang red alert sa sumusunod na oras:
2:01PM – 4:00PM
8:01PM – 10:00PM
Inilabas na ng Meralco ang listahan ng mga barangay na maapektuhan ng isang oras na brownout mula 2:01PM hanggang 4:00PM.
Kabilang sa maaapektuhan ang mga barangay sa sumusunod na mga lugar:
2:01PM to 3:00PM
– Bulacan
– Cavite
– Laguna
– Metro Manila
– Rizal
3:01PM to 4:00PM
– Bulacan
– Cavite
– Laguna
– Metro Manila
Itinataas ng NGCP ang Yellow at Red Alert kung hindi na sapat ang suplay ng kuryente kumpara sa demand sa Luzon Grid dahil sa unplanned shutdown ng mga planta. (DDC)