Paglikha ng 5,000 non-teaching personnel inaprubahan ng DBM

Paglikha ng 5,000 non-teaching personnel inaprubahan ng DBM

Upang tulungang mapagaan trabahong administratibo ng mga guro dahil sa kakulangan o kawalan ng non-teaching personnel sa mga eskwelahan, inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang kahilingan ng Department of Education (DepEd Philippines) para sa paglikha ng 5,000 non-teaching positions para sa fiscal year (FY) 2024.

Sa DepEd Order No. 002, s. 2024 iniutos ang pagtanggal ng mga gawaing administratibo sa workload ng mga guro para matutukan nila ang proseso ng pagtuturo.

Ayon kay DBM Secretary Mina Pangandaman, ang paglikha ng libu-libong non-teaching positions ay sumasalamin sa commitment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kabuuang kapakanan ng mga guro at mag-aaral.

Maliban sa mas gagaang trabaho ng mga guro, sa pagdaragdag ng 5,000 non-teaching positions ay matutulungan din ang mga mag-aaral.

Ang 5,000 non-teaching positions na may Salary Grade (SG) 11 ay ide-deploy para sa FY 2024 sa iba’t ibang School Division Office at mga paaralan sa mga rehiyon sa bansa.

Bukod dito, ang nararapat na kailangang pondo para sa mga filled positions mula sa nilikhang mga posisyon ay manggagaling sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund sa FY 2024 General Appropriations Act, habang ang Retirement at Life Insurance Premium ay babayaran mula sa Automatic Appropriations. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *