Non-essential travel sa Israel ipagpaliban muna – DFA
Nagpapatuloy ang paalala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na iwasan ang hindi importanteng pagbiyahe patungong Israel, Palestine at mga kalapit na lugar.
Ayon sa DFA, mainam na ipagpaliban muna ang lahat ng non-essential travel sa Israel, Palestine, at mga kalapit na bansa na nasa ilalim ng Alert Level 2 o higit pa.
Kabilang sa mga maituturing na non-essential travels ay ang tourism visits, pilgrimages, temporary stays sa mga kaanak at kaibigan, volunteer work, sports events, entertainment at iba pang kahalintulad na aktibidad.
Maituturing naman na essential travels ang pagbiyahe ng mga government officials, official business delegations paglahok sa mga conference, seminars, educational activities, scholarship programs and courses.
Sa ngayon ay bawal pa rin ang bagong deployment ng mga OFW patungong Israel. (DDC)