DOH nagtaas ng code white sa lugar na naapektuhan ng Typhoon Aghon
Itinaas ng Department of Health (DOH) ang “Code White” sa mga lugar na naapektuhan ng Typhoon Aghon.
Ayon kay DOH Asst. Sec. Albert Domingo, sa ilalim ng Code White, ang mga ospital ay dapat handang rumesponde sa mga sitwasyon na dulot ng kalamidad o epekto ng bagyo.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa mahigit 19,000 ang naapektuhan ng bagyo sa mga lugar na dinaanan nito.
Sinabi ng DOH na walang dapat na ikabahala ang publiko dahil ang mga DOH hospital ay handang tumugon sa mga pasyente na maaaring naapektuhan ng bagyo. (DDC)