Inception Workshops pormal na inilunsad sa Cagayan Valley
Inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB) at ng environmental NGO na BAN Toxics ang serye ng Regional Inception Meetings and Validation Workshops kaugnay sa The Philippine Healthcare and Mercury Wastes Management Project (PHCWMP).
Layunin ng proyekto na mabawasan ang emissions ng hazardous chemicals sa healthcare wastes sa
Ang proyekto na pinondohan ng Global Environment Facility (GEF) ay ipatutupad ng United Nations Industrial Development Organization (UNIDO), katuwang ang DENR-EMB bilang national lead agency at ang BAN Toxics bilang executing entity.
Bahagi ng implementasyon ng proyekto ang serye ng Inception Meetings sa tatlong rehiyon kabilang ang Region 2, Region 8, at ang National Capital Region.
Unang isinagawa ang ang regional meeting sa Tuguegarao City na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa EMB Region 2 office, Ilagan City Environment and Natural Resources Office (CENRO), at Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
May mga delegado din mula sa Hazardous Waste Management Section and Chemical Management Section ng EMB Central Office.
Sa pagbubukas ng Regional Inception Meeting binanggit ni EMB Region 2 Director Nelson Honrado ang umiiral na regulatory policies sa healthcare wastes na nakasaad sa Administrative Joint Order 2005-002.
“On behalf of EMB Region 2, I extend my gratitude to the LGU City of Ilagan and Cagayan Valley Medical Center for their commitment to co-finance the project. The role of LGUs in the management of waste and implementation of related laws is clearly defined,” ayon kay Honrado.
Pangunahing layunin ng proyekto na mabawasan ang emission ng unintentionally-produced persistent organic pollutants (uPOPs) at maayos na pag-manage sa mercury at mercury-added products and wastes.
Sunod na magdaraos ng Regional Inception Meetings sa Tacloban City sa May 30 at sa Metro Manila sa June 10. (DDC)