Flava guilty sa paglabag sa Vape Law, nananatiling suspendido

Flava guilty sa paglabag sa Vape Law, nananatiling suspendido

Ipinababatid ng Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na nananatiling suspendido ang pagbebenta, paggawa, importing, packaging at distribusyon ng mga produkto ng Flava.

Ayon sa DTI noong Marso 15 ang Flava Corporation at Lilac Sison Tayaban ay nag-ooperate ng negosyo sa pangalang “Lilacs Vape Shop” kung saan lumabag sa Vape Law dahil sa flavor descriptors na masayadong nakakaengganyo sa menor de edad.

Ang sale at ilegal na pagbebenta ng illegal vape products partikular sa mga mebor de edad ay ipinagbabawal alinsunod sa Vape Law.

Panawagan ng DTI sa konsyumer na ireport o isumbong ang nga lumalabag sa pamamagitan ng pagtawag sa Consumer Care Hotline at DTI (1-384) o mag-email sa consumercare@dti.gov.ph (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *