LPA sa Silangan ng Mindanao posibleng maging bagyo ayon sa PAGASA
Nakapasok na sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Silangan ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, lalapit ang LPA sa Eastern Visayas at sa Eastern section ng Luzon.
Wala pa namang epekto ang LPA saanmang bahagi ng bansa.
Pero ayon sa PAGASA, posibleng maging ganap na bagyo ang LPA at papangalanan itong “Aghon” na magiging unang bagyo ngayong taon.
Sa ngayon ayon sa PAGASA, Easterlies ang nakaaapekto sa buong bansa. (DDC)