Mahigit P478M na halaga ng tulong, naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektado ng El Niño sa Mindanao
Umabot na sa mahigit P478 million ang halaga ng tulong na naipamahagi ng pamahalaan sa mga magsasaka at mangingisda sa Mindanao na apektado ng El Niño.
Sa datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kabuuang P478,850,000 ang naipamahaging halaga ng Presidential Assistance.
Ayon sa datos, mayroong 47,885 na benepisyaryo mula sa Zamboanga, Sultan Kudarat, General Santos, Iligan City, at Cagayan de Oro ang tumanggap ng tulong. (DDC)