Mga Pinoy na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Taiwan, maaari nang mag-apply ng calamity loan sa SSS

Mga Pinoy na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Taiwan, maaari nang mag-apply ng calamity loan sa SSS

Maaari nang mag-apply ng calamity loan sa Social Security System (SSS) ang mga Pinoy na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Taiwan.

Binuksan na ng SSS ang pagtanggap ng aplikasyon na tatagal hanggang sa August 20, 2024.

Ayon sa SSS, kabilang sa mga maaaring mag-avail ng calamity loan ang kanilang mga miyembro na naninirahan o nagtatrabaho sa Taiwan ng mangyari ang lindol at hanggang sa panahon na maghahain sila para sa Calamity Loan Assistance Program Application.

Maaaring mag-apply online sa pamamagitan ng SSS website.

Ang loan amount ay katumbas ng one month salary credit ng aplikante at babayaran ito sa loob ng 2 taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *