12 senador dumalo sa ipinatawag na dinner sa Malakanyang

12 senador dumalo sa ipinatawag na dinner sa Malakanyang

Aabot sa 12 Senador ang dumalo sa ipinatawag na dinner sa Palasyo ng Malakanyang noong Martes (May 21) ng gabi.

Base sa Instagram post ni First Lady Liza Marcos, makikita sa larawan na dumalo sa dinner sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama sina Senate President Chiz Escudero at kanyang asawa na si Heart Evangelista, Senators Alan Peter Cayetano, Sherwin Gatchalian, Loren Legarda ; Robin Padilla ; Francis Tolentino; Jinggoy Estrada; Grace Poe; Mark Villar at asawang si Congresswoman Emilyn Villar, Cynthia Villar at asawang si Manny Villar; Raffy Tulfo at kanyang asawang si Rep. Jocelyn Tulfo.

Dumalo rin sa dinner sina Congresswoman Lani Mercado-Revilla na may bahay ni Senador Bong Revilla; Mrs. Katrina Yu-Pimentel na asawa ni Senator Koko Pimentel.

Samantala dumating din umano si Senador Imee Marcos sa naturang dinner subalit hindi siya nakasama sa larawan.

“Had a nice time with our Senators & their spouses. Hope to see you guys again in August,” saad ng caption ni First Lady Marcos.

Sa mga dumalo sa dinner tanging sila Senador Legarda at Gatchalian lang ang hindi bumoto o pumirma para sa pagpapalit ng liderato ng Senado.

Ginawa ang dinner isang araw matapos maalis sa puwesto si dating Senate President Juan Miguel Zubiri at palitan ni Escudero.

Sinabi naman ni Escudero na ang nasabing dinner sa Malakanyang ay simpleng dinner lang at walang pag-uusap tungkol sa mga panukalang batas at mga isyu. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *