P62.8M na halaga ng tulong-pinansyal, ipinamahagi ng DSWD sa Western Visayas
Umabot sa P62.8 million na halaga ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Region 6 o Western Visayas sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) Program nito.
Ayon sa DSWD, halos 21,000 na near-poor families sa rehiyon ang tumanggap ng ayuda.
Sa nasabing halaga, P12.2 million ang naipamahagi Iloilo; P29.8 million sa Negros Occidental; P4.2 million sa Aklan; P7.1 million sa Antique, at P9.7 million sa Capiz.
Sa ilalim ng AKAP, binibigyan ng tulong-pinansyal ang mga pamilyang nasa low-income category paritkular ang mga kumikita ng hindi lagpas sa minimum wage. (DDC)