LPA na binabantayan ng PAGASA nakatakdang pumasok ng bansa
Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Ayon sa PAGASA ang cloud cluster na nasa Silangang bahagi ng Mindanao ay nabuo na bilang LPA.
Posibleng pumasok ito sa bansa ngayong Miyerkules (May 22) ng gabi o kaya ay Huwebes (May 23) ng umaga.
Inaasahan ding maaapektuhan nito ang Bicol Region at Eastern Visayas.
Hindi naman inaalis ng PAGASA ang posibilidad na mabuo ito bilang ganap na bagyo. (DDC)