Preserbasyon ng makaysayang landmarks ng Bilibid tinututukan ng BuCor at Muntinlupa City LGU
Sinisiguro ng Bureau of Corrections (BuCor) na hindi magagalaw ang mga historical landmark ng New Bilibid Prison (NBP)sa Muntinlupa City sa gagawing pagpapaunlad at modernisasyon ng ahensiya.
Ipinahayag ito ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. matapos pirmahan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon para sa preserbasyon ng kultura at makasaysayang landmark ng NBP.
Ayon Kay Mayor Ruffy Biazon makikipagtulungan sila sa Department of Tourism (DoT) para lalong mapangalagaan ang mga landmarks na ito na naging bahagi ng kasaysayan noong panahon ng ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II.
Sinabi pa ng alkalde na makikinabang din dito ang mga Muntinlupeño at bagong henerasyon upang malaman nila ang naging kasaysayan ng Bilibid sa mga nakalipas na dekada.
Pinasalamatan ng alkalde si Catapang sa pagbibigay sa kanyang hiling na protektahan at pangalagaan ang mga makasaysayang landmarks ng NBP. (Bhelle Gamboa)