Gov. Helen Tan kinilala bilang Outstanding Filipino Physician

Gov. Helen Tan kinilala bilang Outstanding Filipino Physician

Binigyang-parangal bilang Outstanding Filipino Physician si Governor Doktora Helen Tan sa 33rd Jose P. Rizal Memorial Award-Philippine Medical Association.

Ang pagkilala ay ginanap sa SMX Convention Center, Clark Pampanga noong Sabado, Mayo 18.

Kabilang sa mga nagsilbi bilang board of judges sina doctors Kenneth G. Ronquillo bilang chairman; Eleanor B. Almoro, at Israel Francis Pargas bilang mga miyembro.

Ang tumanggap ng 33rd Dr. Jose P.Rizal Memorial Award for Government Service category ay mga doktor na nagtataglay ng kakayahan na magserbisyo at magbigay ng commitment sa kanyang komunidad at bansa.

Maliban sa pagiging isang magaling na doktor, si Tan ay nagpakita rin ng natatanging serbisyo at dedikasyon, innovation at malasakit sa loob ng mahabang panahon.

Kilala din si Tan sa kontribusyon nito sa pagbibigay ng malawak na serbisyo sa medisina para magkaroon ng access sa kalusugan ang lahat.

Bilang isang public servant, ginamit ni Tan ang kanyang nalalaman sa kalusugan at kondisyon ng tao para magkaroon ng impact hindi lang sa iisang indibibwal na pasyente kundi sa buong lipunan.

Naging instrumento rin si Governor Tan sa mga pangunahing isyu pagdating sa kalusugan kung saan naging diskurso ito sa medical field hanggang national level at ang kanyang hangarin bilang isang public servant at doktor ay isang halimbawa ng isang “well-rounded, multi-faceted nature”.

Nagpakita rin ang gobernadora ng isang positibong impluwensya pagdating sa local health systems sa pamamagitan ng paglalagay ng health facilities para mabigyan ang mga pasyente ng kalinga.

Dahil sa pagsisikap ni Gov. Tan, ang kanyang organisasyon ay tumayo para magkaroon ng progreso at innovation sa healthcare, nagsilibing pioneer at model ng Universal Health Care.

Naging mahusay din siya sa collaboration at pag mobilize ng resources para masiguro na prayoridad niya ang pag aalaga sa mga pasyente at partikular rin siyang nakatutok sa pagsisilbi sa mga nangangailangan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *