Publiko pinag-iingat sa bogus na OWWA Admin account
Pinag-iingat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang publiko sa mga scammers na gumagamit sa pangalan ni OWWA Administrator Arnell Ignacio.
Ayon sa ahensiya, isang kababayan na ang nabiktima at naloko matapos siyang makuhanan ng P5,000 ng scammer.
Gamit ang pekeng account ni Ignacio, pinangakuan ang biktima na tutulungan ito ng OWWA subalit kailangan muna niyang magpadala ng P5,000.
Panawagan pa ng OWWA, agad isumbong at i-report ang makikitang ganitong mga account.
Maaaring mag-report sa pamamagitan ng Email sa legal@owwa.gov.ph, Mobile o Viber number na: +639175805720 o sa landline na +632 8551-6638. (Bhelle Gamboa)