P2.880B na halaga ng pondo inilabas ng DBM para sa pagbili ng firetrucks at emergency medical equipment sa buong bansa

P2.880B na halaga ng pondo inilabas ng DBM para sa pagbili ng firetrucks at emergency medical equipment sa buong bansa

Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng kabuuang P2.880 bilyon para sa patuloy na modernisasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Inaprubahan ni Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) para sa BFP na gagamitin sa pagbili ng 154 firetruck, 3 collapsed structure at rescue truck, at 132 na ambulansya.

Ang halagang ito ay kukunin mula sa balanse ng 80% na bahagi ng BFP mula sa mga kita ng fire code ayon sa Republic Act (RA) No. 9514 o An Act Establishing a Comprehensive Fire Code of the Philippines, Repealing Presidential Decree No. 1185 and For Other Purposes.

Matapos ang pagsasabatas ng RA No. 11589 na naglalayong palakasin ang BFP Modernization Program, nangako si DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., na paiigtingin pa ang pagbibigay ng mga serbisyong pangkaligtasan sa mga munisipalidad na walang mga fire truck at fire station, pati na rin ang pagpapalakas ng emergency medical services.

Sa ilalim ng nasabing batas, ang BFP Modernization Program ay ipapatupad sa loob ng 10 taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *