Kaso ng COVID-19 sa bansa may bahagyang pagtaas ayon sa DOH
Nananatiling nasa low risk sa COVID-19 ang lahat ng rehiyon sa bansa sa kabila ng pagkakaroon ng bahagyang pagataas sa mga kaso ng sakit na naitatala kamakailan.
Ayon sa Department of Health (DOH) base sa datos ng Workd Health Organization (WHO), mayroong tatlong bagong variant ng COVID-19 kabilang ang JN.1.18, KP.1 at KP.3.
Sinabi ng DOH na patuloy pa ang ginagawang pag-aaral para matukoy ang transmissibility ng nasabing mga variant.
Simula May 7 hanggang 13, nakapagtala ang DOH ng 877 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Mayroon ding 5 nasawi sa sakit mula Apr. 30 hanggang May 13. (DDC)