Presidente ng Iran at foreign minister nasawi matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter
Patay si Iranian President Ebrahim Raisi matapos bumagsak ang sinasakyan nitong helicopter kasama ang iba pang opisyal ng gobyerno ng nasabing bansa.
Nasawi din sa helicopter crash ang foreign minister ng Iran at iba pang kasama nila sa chopper.
Inabot pa ng ilang oras ang paghahanap sa katawan ng mga sakay ng helicopter dahil maulap sa bulubunduking bahagi ng northwest Iran kung saan nangyari ang insidente. (DDC)