Navigational air traffic management system sa NAIA nakaranas ng technical problem
Makararanas ng delay ang mga flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw ng Lunes, May 20.
Ito ay dahil sa technical issues na nararanasan sa navigational air traffic management system sa NAIA.
Inabisuhan ng Philippine Airlines (PAL) ang mga pasahero na maaaring magkaroon ng delay o posibleng pang makansela ang kanilang biyahe na nakatakda ngayong araw.
Kabilang sa mga apektado ang mga flight na paalis at parating ng Manila.
Para sa mga mayroong flights ngayong araw na paalis o parating ng NAIA, pinayuhan sila ng PAL na i-check muna ang status ng biyahe bago magtungo sa airport.
Maaaring bisitahin angĀ https://www.philippineairlines.com/en/flight-status para sa update.
Samantala, nagpalabas din ng parehong abiso ang Cebu Pacific sa kanilang mga pasahero.
Ayon sa Cebu Pacific, nagkaroon ng problema sa software ng Air Traffic Management Center (ATMC) kaya apektado ang operasyon sa NAIA. (DDC)