Dating PDEA agent Jonathan Morales pinatawan ng contempt ng Senado

Dating PDEA agent Jonathan Morales pinatawan ng contempt ng Senado

Pinatawan ng contempt ng komite sa Senado si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales dahil sa patuloy na pagsisinungaling sa mga katanungan tungkol sa kaniyang personal data sheet (PDS) noong nag-apply siya sa PDEA.

Isinulong ni Senator Jinggoy Estrada na patawan ng contempt si Morales sa pagdinig ng Senate public order and dangerous drugs committee.

Ayon sa senado nagkaroon ng misrepresentation si Morales nang isumite niya ang kaniyang PDS sa PDEA nang sabihin nitong hindi siya naalis sa Philippine National Police roll at nang sabihin niyang hindi siya nasibak o nasuspinde sa sebisyo.

Dahil walang nag-object sa mosyon ni Estrada, agad itong inaprubahan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Agad namang dinala si Morales sa Senate detention cell. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *