CAVITEX nagsampa ng kasong kriminal laban sa PEATC official

CAVITEX nagsampa ng kasong kriminal laban sa PEATC official

Nagsampa ng kasong kriminal ang Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) laban kay PEATC Officer-in-Charge (OIC) Dioscoro Esteban.

Kabilang sa mga kasong naisampa ang perjury, usurpation of authority, at slander matapos magsumite umano ng walang basehang petisyon para sa mandamus si Esteban sa Court of Appeals.

Ang aksyong ito ng MPTC ay upang papanagutin si OIC Esteban, isang kawani ng pamahalaan sa kanyang pagiging umano’y iresponsable at hindi awtorisadong pagmimisrepresenta ng PEATC ng siya ay maghain ng petisyon laban sa CIC.

Sumumpa si Esteban na siya ay awtorisadong representante ng PEATC sa kabila ng kakulangan niya ng board authority. Gayundin, may mga binitawang pahayag umano si Esteban upang sirain ang reputasyon ng CIC.

Inusisa ng CIC ang paghahain ni Esteban ng petisyon gamit ang mga pribadong abogado na lumalabag sa mga tuntunin ng Office of the Government Corporate Counsel o OGCC na kung saan sila ang lehitimong mga abogado ng mga Government owned and operated corporations o GOCC tulad ng PEATC.

Ayon sa abogado ng CIC na si Atty. Criselda Funelas na kung ang isang public officer ay magpapanggap na siya ay awtorisado ng kanyang ahensiya, na wala namang katotohanan, ito ay usurpation. Gayundin, perjuruous ang pagsasabi nito habang nanunumpa sa husgado. Ang mga ginawa ni Esteban ay nagpapakita ng partiality at gross inexcusable negligence na itinuturing na krimen sa ilalim ng Republic Act No. 3019 o the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Bilang isang public officer, kinakailangang managot ni OIC Esteban sa kanyang mga naging aksyon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *