CHR special investigators nasa Bilibid na

CHR special investigators nasa Bilibid na

Mainit na tinanggap ng Bureau of Corrections (BuCor) ang apat na special investigators ng Commission on Human Rights (CHR) upang simulan ang imbestigasyon kaugnay sa umano’y nakakahiya at nakakawalang respeto ng insidente ng strip search sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City nitong Lunes, May 13.

Isang Mission Order na pirmado nina Atty. Jasmin Navarro Regino, Director IV Human Rights Protection Cluster, ang bitbit ng apat na CHR investigators na kinilalang sina Atty. Rommel Tinga, SI III Michele Tuliao, SI III Mays Sylvette Rojas at SI II Ma. Milanie Arao.

Nakipagkita ang mga ito kina BuCor Head Executive Assistant, CTC Supt. Fe Marquez; NBP Acting Superintendent, Corrections Chief Insp. Roger Boncales; NBP Maximum Security Camp Commander, Corrections Senior Inspector Abel Ciruela at Corrections Insp. Evangeline Rabara, Chief of Inmate Visitation Service Unit.

Nagbigay ang BuCor ng briefing at simulation ng strip cavity search sa mga imbestigador upang magkaroon sila ng ideya kung paabo isinasagawa ang pagbisita sa loob ng NBP hanggang sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa pasilidad.

Ipinakita rin ng ahensiya ang NBP Maximum Camp kasama na ang conjugal facilities at ng parke para sa mga bisita at anak ng PDL.

Para makumpleto ang imbestigasyon ng CHR, sinabi ng BuCor officials na kanilang ipapatawag ang mga ‘lady searchers’ upang magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay.

Unang nagpahayag si BuCor Director General Gregorio Catapang ng pagnanais na makipagtulungan sa CHR at ang kahandaan nitong tanggapan sila para isaayos ang inspeksiyon na ipjnapatupad ng BuCor para sa mga bisita ng PDLs.

Ibinunyag pa ni Catapang na sumulat siya kay Focal Commissioner for Prevention on Human Rights, Atty. Faydah Maniri Dumarpa,upang siguruhin sa kanya na ang BuCor ay isa sa mga nakikiis sa pagsusulong ng human rights o karapatang pantao.

“Just like everybody else, we want to ferret out the truth. Bakit sa dinami dami ng pagbisita nila sa asawa nila mula pa sa Bureau of Jail and Management and Penology hanggang sa nailipat dito sa Bucor, the same protocol ng inspeksyon ang dinadaanan nila, kaya ako nagtataka bakit itong dalawang complainant ngayon lang sila nagreklamo? tanong ni Catapang. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *