Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong buwan
Tataas ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Mayo.
Ayon sa Meralco, mayroong P0.46/kwh na pagtaas sa May billing dahil sa pagtaas ng pesy presyo ng kuryente sa spot market.
Ang naturang pagtaas ay katumbas ng P92 na dagdag sa babayaran kung ang konsumo ay 200kWh.
P139 na dagdag sa babayaran kung ang konsumo ay 300kWh.
P185 na dagdag sa babayaran kung ang konsumo ay 400kWh.
At P231 na dagdag sa babayaran kung ang konsumo ay 500kWh.
Noong nakaraang buwan ng Abril ay nagkaroon ng pagbaba sa singil sa kuryente ang Meralco. (DDC)