Transport hub target maitayo sa bakanteng lote na pag-aari ng GSIS sa QC Circle

Transport hub target maitayo sa bakanteng lote na pag-aari ng GSIS sa QC Circle

Nagsagawa ng ocular inspection si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Atty. Don Artes kasama ang mga opisyal ng Government Service Insurance System (GSIS), at ilang mga city bus operators sa bakateng lote na pag-aari ng GSIS sa Quezon City Circle.

Tinalakay sa ginawang pag-iinspeksyon ang planong pagpapagawa ng isang integrated terminal sa lugar.

Target ng MMDA at GSIS na gawing transport hub at parking area ang bakanteng lote.

Pag aaralan din ng MMDA, sa pakikipagtulungan sa LTFRB ang mga ruta na gagamitin para sa inaasahang proyekto bilang bahagi ng traffic and development plan ng ahensiya.

Sinabi ni Artes na magpapatawag siya ng coordination meeting kasama ang Department of Transportation (DOTr) at Quezon City LGU upang talakayin at iprisinta ang inilatag na conceptual design and plan para sa gagawing integrated terminal. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *