Apat na fire volunteers nahirapang huminga kasunod ng insidente ng ‘ammonia leak’ sa ice plant sa Pasay City

Apat na fire volunteers nahirapang huminga kasunod ng insidente ng ‘ammonia leak’ sa ice plant sa Pasay City

Apat na bumbero ang iniulat na nahirapang huminga matapos rumesponde sa pagtagas o leak ng ammonia sa isang ice plant sa Pasay City umaga ng Lunes, May 13.

Dahil sa nasabing pagtagas ay pinagsuot ng face mask ang mga residente at pansamantalang isinara ang F.B. Harrison Street malapit sa panulukan ng Layug St., Barangay 3 ng nasabing lungsod.

Base sa inisyal na ulat ni Fire Inspector Amado Rivera, ng Pasay City Bureau of Fire Protection (BFP), alas -9:50 ng umaga nagsimula ang ammonia leak mula sa pipe line sa loob ng Summit Ice na matatagpuan sa F.B. Harrison Street.

Ayon sa BFP kaagad na-shut down ang gate valve ng naturang linya ng tubo kaya nakontrol na ang pagkalat sa hangin ng nakalalasong amoy.

Ipinahiram din ng Summit Ice sa ahensiya ang kanilang ammonia meter para masuri ang kalidad ng hangin na naapektuhan ng ammonia leak sa lugar upang mamonitor at madetermina kung ligtas na sa mapanganib na amoy.

Pansamantalang sinara ang F.B Harrison magmula sa Buendia hanggang Vito Cruz upang hindi muna daanan ang lugar habang hindi pa idinideklarang ‘cleared’ sa panganib sa kalusugan na dulot ng pagtagas ng ammonia.

Sa pagresponde ng BFP at ilang fire volunteer trucks nabatid ba apat na bumbero ang nahirapang huminga habang isang empleyado ng nababggit na planta ang natapilok sa insidente.

Nagsagawa naman ng pag-iikot ang mga opisyal at tauhan ng barangay upang manawagang magsuot ng face mask ang mga residente sa lugar para maiwasang makalanghap ng mapanganib na amoy ng kemikal.

Masusing inaalam pa ng otoridad ang sanhi ng ammonia leak sa lugar. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *