Publiko pinag-iinagt ng OWWA sa loan scam gamit ang logo at pangalan ng ahensiya

Publiko pinag-iinagt ng OWWA sa loan scam gamit ang logo at pangalan ng ahensiya

Pinag-iingat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang publiko laban sa mga loan scam na gumagamit ng Logo at pangalan ng ahensiya.

Ayon sa babala ng OWWA may mga account na naman na gumagamit ng kanilang Logo at pangalan para makahikayat sa ating mga kababayan patungkol sa loan o lending scam.

Binigyang-diin ng ahensiya na ang mga account na ito ay walang kaugnayan sa OWWA kahit sa Regional o Central office.

Panawagan ng OWWA sa publiko kung makakita ng mga ganitong account o panghihikayat ng mga loan ay agad itong isumbong o report sa kinauukulan para magawan ng agarang aksyon.

Maaaring magreport din sa ahensiya sa pamamagitan ng Email: legal@owwa.gov.ph ; Mobile No./ Viber: +639175805720 at Landline: +632 (8)551-6638. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *