Pagbabantay sa blood pressure ng Muntinlupeños isinulong

Pagbabantay sa blood pressure ng Muntinlupeños isinulong

Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang mamamayan nito na bantayan ang kanilang blood pressure kasabay ng pakikiisa sa Hypertension Awareness Month ngayong Mayo.

Nais ng lokal na pamahalaan na masiguro ang kalusugan ng mga residente sa lungsod lalo na ngayong nararanasan ang matinding alinsangan ng panahon.

Ayon sa Muntinlupa LGU, dapat din na laging nagpapatingin at nagpapakonsulta sa pinakalamalapit na health centers para matiyak na maayos pa rin ang kalagayan lalo na ang kanilang mga dugo.

Ang hypertension o mataas na blood pressure (BP) ay ang pangunahing sanhi ng sakit na nagdudulot ng stroke, heart attack, at cardiovascular complications na itinuturing na pangunahing sanhi ng pagkamatay sa bansa. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *