Voluntary price freeze ng pangunahing bilihin ngayong El Niño inihirit ng DTI sa manufacturers

Voluntary price freeze ng pangunahing bilihin ngayong El Niño inihirit ng DTI sa manufacturers

Pinapakiusapan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga manufacturers na magpatupad ng boluntaryong price freeze o walang pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong panahon ng El Niño.

Partikular na inihirit ito ng DTI sa mga food manufacturers na layuning mapanatili ang kasalukuyang presyo ng bilihin sa iba’t ibang bayan at lungsod sa bansa na patuloy na naaapektuhan ng matinding tagtuyot.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, nais niyang hikayatin ang mga ito na makiisa sa aksyon o pagtugon ng gobyerno upang maging ‘stable’ ang mga presyo ng prime commodities sa bansa at magkaroon ng mas abot-kayang pagkain ang mga Pilipino.

Bukod sa kapakanan ng mga mamimili ay iniisip din ng ahensiya ang pagkakaroon ng proteksiyon sa retailers upang mas maihatid sa kanila ang abot-kayang produkto at hindi maaapektuhan ang kani-kanilang mga negosyo.

Ang pakiusap na voluntary price freeze ng DTI ay kasunod ng pakikipagpulong nito sa ilang malalaking food manufacturers sa bansa. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *