Presyo ng gasolina bababa ng P2 kada litro; diesel may bawas na 50 centavos kada litro
Magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Sa abiso ng mga kumpanya, may rollback na P2 sa kada litro ng gasolina.
Bababa din ng 50 centavos ang presyo ng kada litro ng diesel.
Habang mababawasan ng 85 centavos ang presyo ng kada litro ng kerosene.
Epektibo ang rollback bukas, araw ng Martes, May 14. (DDC)