Closing ceremony para sa Exercise Balikatan 24, idinaos sa Camp Crame

Closing ceremony para sa Exercise Balikatan 24, idinaos sa Camp Crame

Pormal ng nagtapos ang Balikatan Exercise 2024.

Nagdaos ng closing ceremony sa Camp Aguinaldo sa Quezon City na dinaluhan ng mga opisyal mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga kinatawan mula US Government.

Sa nakalipas na tatlong linggo, nagsagawa ng pagsasanay ang mga sundalong Filipino, American, Australian, at French para mapalakas ng kanilang kaalaman sa maritime security, amphibious operations, combined arms, aviation operations, and information at cyberspace operations.

Taun-taong ginagawa ang Balikatan sa pagitan ng mga sundalo ng AFP at U.S. military.

Ngayong taon ang ika-39 na pagkakataon na ginawa ang Balikatan Exercise kung saan tinatayang 16,000 na Philippine at U.S. military personnel ang lumahok. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *