Malakanyang nagbigay ng P80.9M na donasyon sa Camp Navarro General Hospital

Malakanyang nagbigay ng P80.9M na donasyon sa Camp Navarro General Hospital

Nagbigay ang pamahalaan ng P80.9 miilion pesos na hakaga ng tulong sa Camp Navarro General Hospital (CNGH) sa Zamboanga City.

Iniabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang donasyon mula sa Office of the President (OP) kasunod ng ginawa nitong inspeksyon sa bagong gusali na itinayo sa nasabing ospital ng Western Mindanao Command (WESMINCOM).

Ang tseke ay tinanggap ni CNGH chief Lt. Col. Giovanni R. Falcatan.

Gagamitin ang donasyong P80.9 million sa pagbili ng mga kagamitan para sa operating room, diagnostics, ward, physical therapy, at iba pang gamit ng ospital.

Itinayo ang CNGH noong 1975.

Mayroon itong 50 hanggang 100-bed capacity at dito ginagamot ang mga sundalo, kanilang dependents, at authorized civilians na nangangailangan ng medical, surgical, at pediatric services. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *